Thursday 10 January 2013

Stresstabs


 ENERO 2013!



 TABLE OF MESS




Naging madugo na kaagad ang unang linggo ko sa kolehiyo sa taong 2013. Maraming mga dapat ipasa, maraming dapat basahin at gawin. Puyatan ang resulta, tig dadalawa o tatlong oras na lang ang tulog. Sinabayan pa ng bed weather na minsan ay nagiging dahilan pagkasakit ko at nagresulta sakin na mag bed rest for few hours. Ayan tuloy, naka absent sa ibang subject na kailangan kong habulin. Teka idagdag mo pa ang resulta sa exam na may mababa, ang iba next meeting pa daw ipo-post..nakakakaba tuloy. >_<



MGA PINAGPAGURAN KO







Sa rami nang mga nakakapagod kong naranasan sa unang linggo ng Enero ay may isang libong dahilan naman ako para matuwa pa rin at di masyado problemahin ang aking nararanasan ngayon. Isa na dito ay yung mga espesyal na tao pinahahalagahan ako at pinasasaya ako parati. Mga baliw kong barkada na walang sawang tumawa na parang wala kaming pinagdadaanang problema. Mga magulang ko na parati akong sinusoportahan ako at ang Diyos na parating nagbibigay sa akin ng lakas na makayanan ang lahat nang ito. Kaya ngiti pa rin! :)




No comments:

Post a Comment